GCash was restricted, due to a “swindling report”

May mga nababasa ako sa fb and even twitter, about their GCash accounts na on hold daw, dahil may nag report sa kanilang account.

Ang modus daw, someone will send you ₱20 or any low amount, then report your account. Nahohold daw account mo nun.

May nag post ng convo nya with the supposed customer service rep, and hinihingan daw sya ng notarized settlement agreement with the person who reported the account.

Ang siste, ginagamit daw ito ng ibang scammers, para e “hostage” ang account. Magsesend daw ng text messages making demands. Kahit na e send pa ang texts nung scammer sa GCash, notarized agreement pa din hinihingi.

How true?? Emphasize ko lang na sa tagal ko na sa GCash, never pa naman ako nagka issue. Pero katakot din pag may ganitong issue. Ano yan, kahit sino nalang pwede ka e report, tapos di ka man lang bibigyan ng chance to defend yourself? Dati naman sa pagkakaalam ko, they will ask docs muna sa nagreport, at kailangan naka blotter…

Totoo kaya yan? Sino na naka experience?