Tips for a new driver, please!
Hello! I secured my non-professional driver's license yesterday so pwede na ako mag-drive solo. 😄 I was attending driving school from December to January and my instructors told me naman na kaya ko na daw magdrive.
Kaso, I'm still not super confident with my driving skills. I'm very careful and I ensure na sumusunod ako sa traffic rules, but alam nyo naman ang driving situation dito sa Metro Manila. I get startled pag may mga motor na biglang lumilitaw and sumisingit and hindi pa ako magaling mag-change lanes. My boyfriend also tells me na I tend to have a smaller space sa right side ko although pasok naman ako palagi sa linya.
Sabi nila sakin, to get better at driving, kelangan mo lang talaga sanayin sarili mo sa pagdadrive. Baka pwedeng makahingi ng tips on how to build confidence sa pagdrive ng solo and general driving tips din. 🙏🏽 thank you!