Adults, what age ninyo napansin na nakakaahon na kayo mula sa kahirapan?
I just have this sad feelings, I'm already in mid 20's pero wala pa ring trabaho, actually kakatapos ko lang ng college. Galing sa hirap, walang mayamang angkan, at parehong may senior na magulang.
Minsan di ko magawang ilabas yung damdaming nakakubli na "ganitong edad na ako, pero wala pa rin akong ipon, wala pa rin naipupundar..." Ang siguro malaking ikinatakot ko ay paano kung dumating yung panahon na magkaroon ng sakit ang magulang ko at wala akong perang naitago o ipon.
Ilan lang ito sa mga bagabag ko biglang nag iisang anak na pumipilit mag umpisa ng panibagong yugto sa buhay para umasenso...
Gusto ko rin mabasa kuwento nyo, kung paano kayo umasenso at nakaahon mula sa hirap. Gusto ko lang din ma inspire at magkaroon ng motivation para magpatuloy :))